All the world is her stage

Andrea Bocelli: Check. Celine Dion: Check. Whitney Houston: Check. Mariah Carey: Check.
Even before she turned 18, Charice Clarice Relucio Pempengco or now more popularly known as Charice has already had most of her dreams come true – BIG dreams to be specific.
And yet, she still sometimes finds herself unbelieving of the good fortune that has dawned upon her, considering that all these names were just wishfully written in her drawing pad when she was just 12 years old.
Her international star status notwithstanding, Charice surprisingly remains humble and steadily anchored. “Sinasabi kasi ni Mommy na isipin ko na para lang nag-iistart ako palagi sa career ko. Kasi iba talaga ‘yung feeling ‘pag iniisip ko na nasa ilalim ka,’’ explains the jolly Charice.
Diminutive she may be, but Charice has got the pipes that could shame most belters here and abroad. That very same voice has taken her a long way -- from joining every barangay singing contest she could find, straight to the arms and caring mentorship of the most powerful woman in Hollywood, Oprah Winfrey.
And now, there is no stopping Charice from further rising to the top. Her newest single “Pyramid” featuring singer-rapper Iyaz recently entered the top 50 dance hits chart of the US Billboard, her second single to enter the Billboard charts. The song likewise topped Amazon.com’s most downloaded MP3 digital songs and is now also available in iTunes.
Regardless of her busy schedule, flying from the US to the Philippines and back, her guest appearances, and concerts, Charice she still finds time to squeeze in her college education. She is currently taking up an online BA Communications course at Southern New Hampshire University of England, on a full scholarship at that!
“Ang ultimate goal ko talaga is makatapos ng pag-aaral...Sobra (importante ng education). Masaya ako kahit sobrang busy, kaya nag-oonline school ako ngayon,” she shares.
In this 60 Minutes interview, our Charice, now all grown-up, reveals the details of her journey to her dreams – from those all-nighters she pulled for amateur singing contests, the cutthroat competition,
the funny antics, how her dreams came true with the help of “second mom” Oprah, her commitment to finishing her studies, and her one and only crush Sam Milby and surprising reluctance to having a boyfriend. (Angelo Garcia)
STUDENTS AND CAMPUSES BULLETIN (SCB): You are turning 18 in May and you are throwing not the usual party, but something for Bantay Bata and World Vision. How did you arrive at this decision to celebrate this way?
CHARICE PEMPENGCO (CP): Ang plan po talaga party, ‘yung usual na may cotillion. Pero ako ‘yung nag-decide kung baka pwede sa orphanage, or may magawa ako na masasabi kong eto ginawa ko sa debut.Puwedeng concert for children sa Music Museum, or children’s party sa Ocean Park.
SCB: Who was supposed to be your first dance?
CP: Siyempre ‘yung kapatid ko pero na-realize ko na mas masaya kung i-celebrate ‘yung day with people na talagang matutulungan mo. Ok na sa akin ‘yun.
SCB: Didn’t you dream of a grand debut like many girls?
CP: Naka-plan na talaga, nakasulat na nga ‘yung motif …
SCB: May helicopter pa nga daw?
CP: Meron (laughs). Pero nung time na ‘yun, may commercial ‘yung Bantay Bata. Mababaw kasi ako, madaling maawa.
Parang sabay kami ni Mommy na nag-isip, ano kaya kung sa orphanage na lang or sa Bantay Bata? Or World Vision since nag sponsor naman ako ng bata. Sa tingin ko we did the right decision.
SCB: Do you plan to get more involved with Bantay Bata or World Vision?
CP: Gusto ko pero ‘yung schedule ko rin sa States. Kung kailangan naman nila at puwede ako, tumutulong ako. Tulad nung Ondoy, kahit na nasa States ako, pinauwi ko dito ‘yung mommy ko, galing sa mga sponsors ko, tumulong din ako sa mga nabiktima.
SCB: How many kids are you sponsoring in World Vision?
CP: Gusto ko seven kids. As of now isa pa lang. Gusto kong makapagbago ng isang bata na makikita mo talaga na nag-iimprove, nakakahikayat na mag-sponsor ka ulit. Pero siguro hindi muna sa ngayon kasi ang hirap mag-monitor ng madaming bata.
SCB: What other advocacies are you interested in?
CP: Nasama ako sa ‘Ako Mismo.’ Kahit hindi pa ako botante, gusto kong sabihin sa mga bata na iboto kung sino ang dapat.
SCB: You have plans of putting up your own foundation in the future?
CP: ‘Yun ang dream ko, ‘gusto ko sa education. Kasi ‘yung mga sponsors ko naman, like Sterling, makakapagbigay sila ng school supplies.
CHARICE GOES TO COLLEGE
SCB: How important is education to you?
CP: Sobra. Masaya ako kahit sobrang busy, nag-oonline school ako ngayon sa Southern New Hampshire University sa England. Scholar nila ako and first year college na ako. Kumukuha ako ng BA Communications. Kahit na busy ka, ‘yung two hours a day lang. May kaklase ako, ‘yung iba may mga pamilya na, ‘yung iba military. Iba ‘yung may masasabi ka sa tao na tapos ka talaga. Nakakaaliw din, kahit na wala ka sa klase, internet eh, mahilig akong mag-internet (laughs).
SCB: How was the test like?
CP: I took the Philippine Educational Placement (PEP) test. ‘Yung exam po mula noong pinag-aralan mo ng first year high school hanggang fourth year. Kasi sa totoo lang po talaga, ang natapos ko lang third year high school. Gusto ko talagang maka-abot ng college. Kahit mahirap, nag-take ako. Almost five hours ‘yung inabot ko. Nakakasakit ng ulo. Biruin mo lahat ng subjects, Science, Math, lahat-lahat! ‘Yun talaga ‘yung parang dumaan ka sa butas ng karayom.
SCB: Mahirap ba ‘yung adjustment from school dito sa Pilipinas, tapos school sa England?
CP: Mahirap lang dun ‘yung nag-English sila lagi (laughs). ‘Yun ang mahirap dun (laughs). Pero wala namang pagkakaiba. Masaya lang dun, ‘yung professor ko, hindi siya ‘yung talagang prof, nakikipagbiruan siya sa amin. Kaya hindi siya nakaka-stress.
SCB: Do these people from the school recognize you?
CP: Yes po. ‘Yun pong president nung school, nanood po siya ng concert ko sa PICC. Nagpunta siya dito.
SCB: Are the classes via webcam?
CP: Hindi po, via website na may ibibigay na thread tapos sasagot-sagot ka lang.
SCB: How did you introduce yourself in class?
CP: Kinuwento ko ang life ko. Pagandahan kasi talaga ng introduction dun eh. Pa-dramahan ito, kulang na lang basahin ko ‘yung Wikipedia. Nakakatuwa sila kasi sumagot sila na napanood nga daw nila ako sa Oprah. Ako ‘yung youngest sa kanila. Pag time ng pag-aaral talaga, nag-start na kami ng mga essay essay, wala na talagang nagme-mention. Especially ‘yung prof ko, pantay-pantay talaga sya.
SCB: Every day you have to log in?
CP: Yes, everyday, two hours. Pero kailangan sundin ‘yung time nila. Kaya naman ng schedule ko. Actually medyo dito lang sa Philippines magulo ‘yung schedule. Kasi minsan may nga TV guestings na sinisingit. Unlike sa States, naka-schedule talaga.
SCB: What motivates you to work hard like this?
CP: Seriously? Basta makasama ko lang ‘yung friends ko, friends ng Mommy ko, tapos namamasyal kami, iba na ‘yung feeling.
Nakakapag-relax ka talaga. Nakatigil lang sa bahay o sa Tagayatay. ‘Yun lang.
HURDLING DISCRIMINATION
SCB: How has fame changed your life?
CP: Sa Pilipinas, hindi na ako nakakapag-mall. Kahit gusto mo gumala, minsan ina-announce ka pa. “Welcome, Charice Pempengco!” Naloka naman ako! ‘Yung mga tao inaantay ako sa labas, hindi na ako nakapag-shopping (laughs)! Minsan kapag papasok ako talagang pinipilit kong baguhin ‘yung itsura ko talaga kasi gustong-gusto ko talaga mamasyal na parang ordinaryong tao. Pero may mga ibang tao talaga na tatanggalin pa ‘yung sombrero para tingnan ka. Minsan 10 minutes lang tapos lalabas na kaagad ako, or maiiwan ako sa sasakyan.
Sa States naman, nakakatuwa lang dun kasi hindi nila mare-realize na ako si Charice hangga’t hindi ako kumakanta. Minsan kapag may concert, andun lang ako, hindi ako pinapansin. Pero kapag nagpa-practice na ako, “Oh my God, is that Charice?” Kasi ang liit-liit ko daw sa personal, sa TV parang ang mature ko. Pero sa States lang talaga ako may panahon para makagala.
SCB: Have you ever been discriminated against in the States?
CP: (in a sad voice) Ako? Nag-drama! Biglang umiyak (laughs)!
Sa internet, ang dami talaga. Ayoko sana sabihin, pero mostly talaga na mababasa mo, mga Pinoy talaga sumisira.
Sobrang naiyak ako minsan kasi ang nagtatanggol pa sa akin, Americans. May nabasa ako dati nag-aaway, ang kumakampi sa akin Americans. ‘Yun lang talaga ang problema ng ibang Pinoy. Imbes na suportahan na lang, sisiraan ka pa.
Minsan tinatanong pa ako ng ibang lahi kung Pilipino daw ba talaga ako kasi Pilipino pa ang naninira sa akin. Masakit. Minsan napapa-isip ka, hindi pa ba sapat na binabanggit ko sa international TV shows na Pilipino ako? Ayaw ba nila ‘yun? Minsan masakit, pero hindi ko na lang iniisip.
SCB: Ano ginagawa mo kapag nae-encounter mo ‘yun? Umiyak ka ba ng isang araw....
CP: Hindi naman. Nagsunog lang ako ng hotel (laughs)! Siguro nasanay na din ako. Lagi kong iniisip ‘yung nangyayari ngayon. Sumasali ako sa singing contest dati, mas sobra pa ‘yung mga pinagsasabi sa akin dati kesa sa ngayon, kaya sanayan lang talaga. Wala pa ‘yan sa kalahati ng sinasabi sa akin dati nung sumasali pa ako sa singing contest.
SINGING CONTEST VETERAN
SCB: What else did you have to go through?
CP: Iisipin ko kasi ang dami (laughs)! Minsan sinasabi nila, harapan talaga, “Wala ka namang itsura! Ang pangit pangit mo talaga!” Minsan minumura pa ako (laughs)! Kontrabida talaga ang dating. Parang teleserye lang (laughs)!
Sobrang-sobrang liit ko pa nun. Minsan, sa singing contest, hiwalay ‘yung bulilit sa main, naranasan ko talaga ‘yung pagtulungan ako. Sasabihin nila sa akin “Matanda na ‘yan! Isali niyo ‘yan sa matatanda!” Kasi ang laki-laki daw ng boses ko, mukha lang daw akong bata. Twenty-two years old na daw ako! Kamusta naman ‘yun (laughs)! Hindi ko kineri ‘yung 22, eh 11 palang ako nun (laughs)! “Mukha lang bata ‘yan, may sakit ‘yan!” Kamusta naman ‘yan! Ginaya ako dun sa movie na Orphan! Sinali talaga ako sa matatanda. Ang lola mo naman hindi nagpatalo. Kanta, um, bato ng mic, um, nanalo (laughs)!
Minsan kapag nasa singing contest ako, hinahanap nila ‘yung pangalan ko dun. Kapag nakita nila ‘yung pangalan ko dun, magpo-protesta sila, tanggalin daw ako. Overage daw ako. Talagang ‘yung age ko palagi (laughs)! Nagbago pa ako ng pangalan para kahit makita nila ako, nasa stage na ako. Ginamit ko ‘yung pangalan ng tita ko, Ria Pineda, Maine Costales...
SCB: Oprah Winfrey...
CP: (laughs) Hindi naman! Baka ma-starstruck ‘yung mga nanonood tapos ako ‘yung lumabas! ‘Yung Maine Costales, may pangalan talagang ‘yan, hiniram ko lang! Nabasa ko lang kung saan, pero hindi ko siya kilala (laughs)!
SCB: Mga amateur signing contests ito...
CP: Oo. Naguumpisa ng alas-diyes, natatapos ng alas-siete ng umaga. Pinakamaaga
natatapos four a.m. Nalibot ko Batangas. Sinuluan, sumali ako diyan. Buong Laguna nalibot ko na. Eighty plus singing contests na ang sinalihan ko.
SCB: Lahat ‘yun panalo ka?
CP: Hindi naman. Seventy-nine and a half (laughs)! Minsan, sinasabotahe ka talaga. Kumakanta ka tapos bubunutin ‘yung microphone. Sa Laguna masarap manood, talagang siraan! Minsan babayaran ‘yung sound system para maganda ‘yung mic, o kaya sabotahin ‘yung mic nung isa. Nangyari sa akin binunutan ako ng sound.
SCB: Hindi mo naman kailangan ng mic...
CP: Binato ko ‘yung mic tapos kumanta ako (laughs)!
SCB: Nakikita mo pa ba ang mga nakalaban mo ngayon?
CP: Sa Friendster. Sa Facebook. Nakikita ko sila (laughs). Pero sa personal, hindi.
SCB: May bumalik ba sa’yo tapos parang “Wow Charice...”?
CP: ‘Yung iba na talagang mga kasundo ko sa mga singing contests. Actually, tatlo kami niyan, kaibigan ko talaga sila, ang tawagan nga naming “DoReMi”.
SCB: Parang sina Regine (Velasquez) lang...
CP: Oo, theme song nga naming ‘yung (starts to sing) “I can live, I can love, I can reach the heavens above...” Nakakatawa nga ‘pag sumasali kaming tatlo sa contest, minsan ako first place, ‘yun isa second, ‘yung isa third. Dun na kami lumaki sa mga singing contests. So ngayon, ‘pag nagkikita
kami ng personal, parang naiilang sila katabi ako, parang “Ano ba? Para naman kayong others oh.” Kasi raw sobrang proud daw sila. ‘Yung isa, nasa Italy na, medyo nagkahiwaly na kami.
SCB: What keeps you anchored? Kasi parang ang daling isumbat sa mga nanglalait sa ‘yo na “Look at me now” wala bang paghiganti or something...
CP: Ang paghihiganti ni Charice. (laughs) Joke lang. Hindi, kasi wala talaga sa akin ‘yun eh. Minsan, ‘yung naging kaaway ko, si “Bunot Boy”, sila na rin ‘yung nagmemessage sa akin na proud sila sa akin. Hindi ako ‘yung tao na porket may masama kang ginawa sa akin gaganti ako sa ‘yo.
SCB: Does your mom remind you to be humble?
CP: Ang pinapaalala lang niya lagi sa akin ay isipin ko na lang na parang nag-iistart ako palagi sa career ko. Kasi iba talaga ‘yung feeling ‘pag iniisip ko na nagsastart pa lang ako sa career ko. Iba ‘yun, nakakatulong talaga ‘yun. Parang everyday nagigising ka na bagong career ulit. Ang mga naachieve ko nga ngayon wala pa sa one-fourth na naachieve ng ibang big celebrities.
SCB: What is the different between the4 Filipino and foreign audiences since you have performed for both?
CP: Iba ‘yung Filipino audience dito sa Philippines, iba ‘yung Filipino audience abroad. ‘Yung mga Filipino sa States, talagang standing ovation, ang sarap talaga mag perform. Dito sa Pilipinas talagang ‘pag nagsigawan na sila pero nasa upuan lang sila ibig sabihin naiimpress na sila. Dito kasi sa Philippines, malalaman mo kung talagang hindi sila naiimpress. ‘Yung ibang lahi naman, kung ano man ang talent mo, talagang iaapreciate nila.
THE VISION NOTEBOOK
SCB: How did your partnership with Sterling start?
CP: Ginagamit ko talaga siya eversince sa school. Nung 12th birthday ko, gift ng nanay ko Sterling drawing book. Nag-drawing ako doon ng mga dream celebrities na gusto kong maka-duet.
SCB: Is that notebook still with you?
CP: Yun ‘yung ibinigay ko kay Oprah, ‘yun ‘yung mga tinupad niya for me, hanggang ngayon nasa kanya pa. Kaya nga noong sinabi nila sa akin na gusto nila akong gawing endorser, connected na naman sa life ko.
SCB: Who are those people in your drawing pad?
CP: Nakakatuwa kasi sunod-sunod talaga niyang tinupad. ‘Yung nasa first page na ‘yun si Andrea Bocelli, di ba siya ‘yung una kong naka-duet. Sumunod dun si Celine (Dion), which tinupad din niya. Next page si Mariah Carey, although hindi ko siya naka-duet, na meet ko siya. Next page si Whitney Houston, hindi ko rin siya naka-duet pero binigyan niya ako ng passes sa dressing room niya para magka-meet kaming dalawa. Then next page nun ‘yung mga gusto kong magkaroon na gamit, bahay, sasakyan. Hindi niya tinupad ‘yun.
SCB: (Laughs) Akala namin tinupad niya rin.
CP: Hindi niya tinupad ‘yun kasi ang sabi niya sa akin, pagdating sa ganyan, gusto niya sa sarili ko manggaling, ako ang dapat makapundar niyan. Ang mga binigay naman niya sa akin mga guesting na talagang ‘yung TF (talent fee), makakabili ka. So ‘yung time na ‘yun, nakakabili na ako ng sasakyan, pinicturan ko ‘yun, actually lahat ng meron akong bago, pinipicturan ko at sinesend ko sa kanya. Parang sinasabi ko sa kanya na eto ‘yung bunga ng ibinibigay mo sa akin, ganun.
Tapos, next page nun si Justin Timberlake.
Hindi rin ako nakapag perform with him pero ako naman ang nagperform para sa kanya kasi inawardan siya. Sa Hollywood, nabasa ata nila ‘yung bio ko sa website, nakalagay dun gusto kong ma-meet si Justin Timberlake, nabasa ng organizer so ininvite nila ako, kumanta ako for him at na-meet ko siya. Nakakatuwa kasi tinatanong niya sa organizer kung saan ako nakita at kinongrats ako tapos kinilig ako. Charing! (laughs)
SCB: What’s on the last page of that notebook?
CP: Ang last page dun sa pad, hindi pa niya tinutupad si Tweety Bird (laughs). Hindi, kasi dinrowing ko lang siya. Talagang mahilig lang ako mag-drawing. Kasi ‘yung bahay natupad na, ‘yung sasakyan natupad na, ang hindi na lang natutupad private jet.
SCB: Sosyal!
CP: Siguro mga sampung taon pa bago makuha.
SECOND MOM OPRAH
SCB: How would you describe your relationship with Oprah?
CP: Si Ms. Oprah...
SCB: Is that how you call her?
CP: ‘Pag kaharap ko siya, ayaw niya kasi na tinatawag ko siyang Ms. Oprah, parang si Mr. David (Foster), ayaw niya, gusto niya David lang. Although naiiilang ako kasi diba tayo dito sanay tayo sa ganun. Nahihiya ako pero ‘pag kaharap ko siya, Oprah ang tawag ko sa kanya, pero siyempre
‘pag andito Ms. Oprah kasi baka ma-misinterpret ng ibang tao.
SCB: Magsisimula na naman...
CP: Korek! Magsisimula na naman ‘yung pangit ka, matanda ka!
SCB: So how is Oprah like?
CP: ‘Pag napapnood mo siya sa TV, mas sosyal siya nga doon eh pero ‘pag off-cam na, doon mo makikita ‘yung totoong Oprah. Hindi siya namimili ng kausap, diba usually ‘pag big star nasa dressing room lang, siya, gala lang siya ng gala doon. Kung sino ‘yung makikita niya, kakausapin niya, uupo lang siya sa isang tabi, ‘pag nasa studio siya, wala siyang bodyguard, lakad lang siya nang lakad, nakikipag joke siya sa audience, talagang napaka totoong tao niya talaga.
‘Yung relationship namin talagang masasabi ko na, ‘pag nag advice siya parang second mom ko talaga siya. Napaka bait niya, especially ‘yung most memorable, sweetest na ginawa sa akin, ‘yung first time ko doon sa “David Foster and Friends”, ‘yung damit na sinuot ko dun, siya namili nun. Nagpadala pa ng Oprah crew para tignan kung kumusta ako, tapos tinawagan niya si Mr. David na parang kinakumusta ako, kung may damit daw ako, kung kumain na ba raw ‘yan, maya’t-maya tumatawag siya. ‘Yun ‘yung sweetest thing.
SCB: There are thousands of Filipino artists who tried to break into the international scene and you’ve done it. Have you tried to introduce other local talents to the people you know.
CP: Oo, actually minsan ‘pag wala kaming ginagawa ni Mr. David, ‘pag andun lang kami sa place niya, nagchichikahan lang, nagsusurf kami sa YouTube. Napapanood ko na sa kanya si Rhap (Salazar), si ate Sarah (Geronimo). Natawa siya kay Mr. Ryan Cayabyab, sabi ko sa kanya eto ang David Foster ng Philippines, pinanood ko sa kanya. Sabi niya, natatakot na raw siya pumunta sa Philippines! Pinanood ko sa kanya, ‘yung recent concert ko with Mr. C, sinend ko sa kanya lahat ng video. I don’t know kung napanood na niya lahat kasi ang daming videos. Ang dami ko na talagang napapanood sa kanya, sobrang impressed siya kasi ang dami raw talent sa Philippines. Kilala niya si Ms. Regine Velasquez and Ms. Lea Salonga.
SCB: Sino idols mo?
CP: Dito, si ate Sarah, si Ms. Regine and Ms. Lani Misalucha. Foreign, siyempre si Beyonce, Whitney, Mariah, Celine pero ‘yung medyo young naman Justin Timberlake.
‘Yung mga songs ng bagong artists ngayon like Justin Beiber.
SCB: How do you take care of your voice?
CP: Kasi siyempre hindi na maiiwasan ‘yung magpuyat ka, so hindi na kasali ‘yun, ‘pag may time, tulog lang. ‘Yung mga bawal like softdrinks pero hindi naman masyado, ‘pag ganito nag-uusap lang tayo, puwede ako niyang ice cream (laughs).
GROWING UP!
SCB: Sino crushes mo?
CP: Dito, si Sam Milby. Alam niyo kung bakit? Siya lang ang nag-iisang crush ko dito, hindi ko talaga mapagpalit ‘yan (laughs)! Kasi noong sa Little Big Star, di ba ang tagal-tagal na nun, as in contestant
pa lang ako noon, ‘yung pinuntahan niya ako sa dressing room, nagpapicture ‘yan sa akin, sobrang fan ko daw siya. Pumupunta ‘yan sa tapings namin, tapos binubuhat niya ako. Sobrang nabaitan ako sa kanya kasi after rehearsal siyempre wala kaming sasakyan, nakita niya kami pinasabay niya kami sa sasakyan niya. Napakabait niyang tao.
Ngayon, siya ‘yung naiilang sa akin. Sabi ko, “Bakit naman?” Sabi niya, “Nahihiya na ako sa ‘yo.” Ang cute cute niya, na talagang nahihiya siya at nakikita mo rin na sobrang proud siya. Mula noon hanggang ngayon, siya talaga ang crush ko.
SCB: Foreign?
CP: Justin Timberlake! (laughs)
SCB: Na-meet mo na siya di ba?
CP: Nag-perform ako for him. Muntikan na nga ako mahimatay nung nagpe-perform kasi nandun talaga siya sa harap (laughs). Ang lola mo, di talaga maintindihan kung paano tatayo, kung ganito ba or ganun (laughs). Siyempre ang kinanta ko nun ‘yung Note to God and yung Whitney Houston medley. E talagang nandun siya eh kaso medyo nagalit ako kasi katabi niya ‘yung girlfriend niya, eh sana siya na lang, di joke lang (laughs). Tapos muntikan na talaga ako mahimatay nung lumapit talaga siya sa akin (laughs).
SCB: Ano’ng sabi niya?
CP: ‘Yun, “Congratulations.” Sa isip ko, “Ay, ang pogi!” Tapos di siya makapaniwala at nagulat din siya na okay, ang laki ng boses niya.
SCB: Puwede ka na ba mag-boyfriend?
CP: May ganun (laughs)?! Tinutukso ako ni Mommy, sabi niya okay na daw sa kanya magka-boyfriend ako. Pero kasi, ako talaga ang may ayaw. Baligtad kami! Kasi alam mo ‘yung feeling na hindi pa talaga ako handa. Minsan, kinikilig-kilig ako, may mga crush ako pero ‘yung pilitin ko, hindi talaga eh. Minsan, tinutukso na ako ng mommy ko sa iba kong manliligaw…
SCB: Yung mga nanliligaw sa iyo, di naman sila natatakot, nahihiya or nai-intimidate?
CP: Hindi naman. ‘Yung iba nga, nagpo-post pa sa Youtube eh. ‘Yung mga “Charise, mahal kita.” Naloka naman naman ako dun! Hindi ko kinaya ‘yun! Tapos, ine-edit nila ‘yung picture nila katabi ako. Meron isa na foreigner pero half, half siya. Pina-private niya talaga ako sa lahat ng sites ko.
SCB: Stalker…
CP: Natakot naman ako, joke.
SCB: So kapag mga 30 ka, okay na siguro?
CP: Mga 40! (laughs). Pero ‘yun nga, kusa naman darating ‘yun. Nauna pa nga ‘yung kapatid ko eh.
SCB: Di mo naman na-feel na nawala yung childhood mo kasi you have been joining contests …
CP: ‘Yun nga problema ko eh, parang di pa nawawala. Kapag nga naiisip ko na mag-18 na ako, parang ayoko pa. ‘Yung nakakatawa na sinabi ni Ms. Oprah na kailangan na tanggapin na dalaga na ako. Nung kasi na-start ako sa kanya, 15 ako. Gustong-gusto niya ako nakikitang naka-jumper, na-pony tail or naka-bestida. Nung nagkita kami before Christmas last year, ang suot ko na talagang dalaga na. Sabi niya, “You’re all grown up.” At tanggapin na daw na dalaga na ako. Nalungkot siya pero parang nagjo-joke lang siya.
Tapos tinanong niya ako, “Do you have a boyfriend?” Sabi ko, “No.” Ayaw niya kasi di ba dun siya nagka-problema? Ang palagi niya lang sinasabi, mahalin ko ang Mommy ko and also, ‘yung career ko.
SCB: What’s your ultimate goal in your career? Hanggang saan mo gustong makarating?
CP: Siyempre, di ko naman masasabi talaga kung hanggang saan pero kasi lahat ng nangyayari ngayon, di ko naman talaga ini-expect. Ang ultimate goal ko talaga is makatapos ng pag-aaral at magpatuloy-tuloy lang ang lahat ng ito. Kasi di naman talaga natin alam kung hanggang saan. Kaya kung maari, ipon lang talaga ako ng ipon at dito ako sa Pilipinas nag-iipon. Kasi siyempre kapag di naman ako magtatagal sa States, dito naman talaga ako.
SCB: Handa ka ba malaos if ever?
CP: Diyos ko, handang-handa! Kasi di ko naman ine-expect na mag-hi-hit ako ng international kasi mahirap makapasok talaga. Bago ko matapos ‘yung album ko, one and a half years. Kailangan mamili talaga ng kanta para makuha lang talaga yung attention ng mga tao. Biruin mo nakikipag-compete kina Beyonce at Lady Gaga, kamusta naman?
JUST BEING CHARICE
SCB: Can you still find to watch your favorite movies for instance?
CP: Mahilig ako sa horror. Pero ang favorite ko, Alvin and the Chipmunks. Seriously, kaya ako natanggap sa movie kasi sinabi ko sobrang, sobrang fan ako ng movie na ‘yun. As in 20 times ko siya napanood sa airplane, di ako nagbibiro.
Kaya nung audition, sinet-up lang pala nila ako. Kasali na pala talaga ako, may video at nakuha nila ‘yung reaction ko as in talon ako ng talon sa upuan! Nakakahiya.
Nung nag-audition ko ginaya ko pa ‘yung boses ng Chipmunks. Ang kinanta ko pa nga, Listen at Irreplaceable.
I like mga horror like ‘yung Chainsaw Massacre, Orphan. Ay alam mo, sinabi ko minsan gusto ko horror naman pero ayoko na ako ‘yung pinapatay, gusto ko ako ‘yung papatay. ‘Yun yung mga movies
na gusto ko like Night of the Living Dead.
SCB: What do you do in Tagaytay kapag nandun ka?
CP: Nagba-bike in the morning tapos kapag gabi, nagke-KTV. Ang sarap kasi ng weather dun kasi kahit mainit, ang lamig pa rin ng hangin.
SCB: Kapag nag-KTV ka palagi ka bang 100 ang score mo?
CP: Ay hindi, minsan nga 72 lang eh. Ano ka ba, minsan nga bonggang birit na ako, feel na feel ko ‘yung pagkanta ko, 82!
SCB: So di totoo ‘yung score dun?
CP: Oo naman! Ano ka, minsan nag-try ako ng kanta na puro rap at walang tono, 100! Kaya nakakatawa kasi nag-eenjoy ako kapag nagba-bonding with friends talaga and family.
SCB: ‘Yung books, ano huli mong binasa mo? E di pinanood mo ‘yung New Moon?
CP: Twilight. Kino-collect at binili ko ‘yung Edward sa Internet. Naka-display lang.
SCB: Mahilig ka sa shopping? Sino namimili ng damit mo?
CP: Si mommy, pero ‘yung mga pang-alis alis, ako na ‘yun. Pero pagdating sa shoes, nagko-collect ako ng rubber shoes, ‘yung mga Nike na may style, style, gusto ko ‘yun. Pero ‘yung mga high heels, si mommy na ‘yun.
SCB: Nahihirapan ka sa high heels?
CP: Ang hirap talaga. Sugat, sugat na nga ang paa ko. Ito na nag pinaka-mababang binili niya sa akin (shows her four-inch high Aldo shoes). Minsan before ako kumakanta, tumatakbo ako with my shoes on kasi malikot talaga ako sa stage, talagang nagbe-bend pa ako. Nung una, may mga times na natatapilok, nadudulas ako pero nasanay din.
SCB: Advice to young people who join singing contests?
CP: Ang number one na ma-advice sa kanila eh maghintay talaga, magtiyaga. ‘Yun ang problema talaga sa ibang tao kasi kapag may dumating na kanila, ‘yun na ‘yun. Napagdaanan ko na ito eh, talagang dati may isang linggo na nakatulala lang ang lola mo, di natutulog, na-depress talaga ako. After ‘yun nung Little Big Star, halos five to six months walang na nangyayari. Papasok ako sa school, after school bahay na. Kumakain, natutulog. Depressed talaga ako.
Nung nag-start ‘yung Korea, di pa din ako naniwala. ‘Yung nag-Ellen na ako, di pa din ako nag-expect. Nung nag-start na sinabi ni Ms. Oprah na “Don’t lose hope,” sabi niya. “I promise you something big will happen.” Dun ako nag-start maniwala at tinupad naman niya ang promise niya. Dun ko lang nasabi na baka time ko na talaga.


