Noynoy to party mates: Let’s restore people’s faith in government
MANILA (PNA) — President Benigno C. Aquino III urged his party mates in the Liberal Party (LP) Tuesday night to unite and rally behind him in restoring the people’s faith in government.
In a speech at the LP fellowship night in Tagaytay City, the President thanked old and new members of the party for their support during the May 10 elections and asked them to stand as one in facing the challenges of the new administration.
“Ang layunin natin ay maibalik ang tiwala sa gobyerno, at kakailanganin natin ang inyong pakikiisa mula sa pinunong local hanggang sa mga lider na may mataas na posisyon sa pamahalaan (Our aim is to restore people’s faith in government and we need the support of the local as well as national officials in achieving this)," he said.
It was the first time the President met with leaders of the party after being installed as the 15th President of the Republic last June 30.
“Inaasahan ko na ang okasyong ito ay magiging hudyat ng mas malakas pang samahan sa loob ng partido (I hope that this will be the start of even stronger friendships within the party),” he said.
The full text of President Aquino’s speech (in Filipino):
“Magandang gabi sa inyong lahat. Nagagalak akong makasama kayo ngayon sa isang salo-salo, kung saan hindi tayo pagod sa kakatapos na sortie o buong araw na pangangampanya.
Ito na nga yata ang pinakahihintay kong pagkakataon upang makilala kayong lahat ng mas mabuti, lalo na yung mga bago nating kaalyado sa Partido Liberal. Hayaan niyo pong pasalamatan ko kayong lahat sa inyong suporta na siyang nagdala sa atin sa tagumpay.
Inaasahan ko na ang okasyong ito ay magiging hudyat ng mas malakas pang samahan sa loob ng ating partido. Kinakailangan natin ito upang lampasan ang anumang pagsubok na maaaring ibato sa atin ng mga taga-labas na may mga layuning salungat sa ating mga ipinaglalaban.
Sana, dito sa gabing ito, magwakas ang pagkakaiba ng mga beterano sa bagong kaalyado.
Sa nakaraang eleksyon binigyan tayo ng isang malinaw na mandato ng ating sambayanan. Nakuha na po natin ang Malacanang, ngunit alam naman natin na hindi dito nagtatapos ang ating laban. Ang layunin natin ay maibalik ang tiwala sa gobyerno, at kakailanganin atin ang inyong pakikiisa mula sa mga pinunong lokal hanggang sa mga lider na may matataas na posisyon sa pamahalaan.
Nagsimula na ang bagong administrasyon, kung saan wala ng 'wang-wang,' at higit sa lahat, wala ng GMA. Pakiusap ko sa inyo: walang susuko at wala sanang iwanan. Maraming salamat po.” (PNA)




