I received various reactions to that piece. Most were concerned, but there were a few that questioned my sources or worse, my motives. I don’t mind them so much, because they come with the territory. Everyone is entitled to an opinion, just like I am.
But I do care about how Manny took it, especially because he was in the States and some people that I wrote about might have given him the wrong ideas about that piece. True enough, I received word that indeed, these people have whispered in Manny’s ear that what I wrote was disparaging.
Let me just say that I care about Manny as much as any other Filipino and only have his best interests at heart. I have known him since his "Blow by Blow" days when I was the TV anchorman. I have also covered his other fights for television both here and abroad. He has always impressed me by his simplicity, kind-heartedness and determination to succeed. I have no reason to wish him ill, as he has always been nice to me. He is a fellow Visayan and in the few instances that we get to talk, we converse in Cebuano.
I had started to write him an open letter to explain in Cebuano, since I did not want anything lost in the translation. But realizing that he understands and speaks Tagalog very well, I decided to write him in Pilipino. Here… (With apologies to non-Tagalog speaking readers. I hope you find a competent interpreter).
Dear Manny,
Nabalitaan ko na hindi mo tinanggap ng maganda ang mga sinulat ko dito tungkol sa ilang mga taong nakapaligid sa iyo. Nais ko lang linawin na wala akong masamang intensyon at ang akin lang ay maging maayos ang paghahanda mo para sa darating mong laban.
Wala rin akong dahilan para siraan ang mga taong nabanggit ko dahil ni hindi ko kilala ang mga ito. Ang impormasyon na nakuha ko ukol sa kanilang mga gawain ay galing sa mga mapagkakatiwalaang mga tao, na wala ring ibang hangad kundi ang malagay ka sa mabuti.
Bilang nakatatanda sa iyo, minabuti kong ilahad ang mga bagay-bagay na maaaring makasira sa iyong kinabukasan. Nawa ay maintindihan mo na ang mga ito ay mga paalala lamang at di ko layunin na panghimasukan ang iyong pribadong buhay.
Pag-isipan mo sanang mabuti ang mga kinikilos ng mga nakapaligid sa iyo. Suriin mo kung ano ang kanilang pagkatao at ang tunay nilang hangarin. Maging totoo ka sa iyong sarili, Manny. Huwag kang mabulag sa kinang ng salapi o sa mga tukso ng mundo. Alam kong hindi madaling gawin ito, ngunit kailangan mong pangalagaan ang iyong sarili at ang iyong pamilya.
Mas mag-ingat ka ang mga taong parating sumasang-ayon sa iyo at wala nang ginawa kundi ang sabihin sa iyo ang gusto mo lang marinig. Ang tunay na nagmamalasakit ay hindi mag-aalangan na pumuna at tawagan ang pansin mo kapag may nangyayaring hindi maganda.
Ito ang tangi kong hangad, kasama na rin ang iyong patuloy na tagumpay at kaligayahan sa piling ng iyong mga mahal sa buhay at ng bansang Pilipino na kasangga mo sa lahat ng iyong mga laban.
Pagbantay gyud, Dong. Ayoayo.