Manila Bulletin Online
Nav Bar   Sunday, September 7, 2008 Navigation Nav Bar
Feedback Archives Contact Us Advertise Subscribe Desktop Headlines
spacer
 
spacer
spacer
spacer
spacer
spacer
spacer



 
spacer
National Artists for Literature Virgilio S. Almario and Bienvenido L. Lumbera
spacer


Angelo G. Garcia, Ronald S. Lim, Jaser A. Marasigan, Ivy Lisa F. Mendoza

Poets. Nationalists. Teachers. Activists. National Artists for Literature.

We thought it was impossible to put together two of the country’s most respected writers in one interview – Bienvenido L. Lumbera and Virgilio S. Almario. But it turned out that it was a cinch mainly because these two are good friends who trekked almost the same path, sharing history through good and tough times.

Consider these: Both were provincial high school teachers (San Miguel Bulacan for Almario, Lipa, Batangas for Lumbera) before teaching at the Ateneo. Roommates at an apartment along Katipunan in Quezon City, the two were together the day Martial Law was declared in 1972. They both went underground. A few years after having gone aboveground, they both attempted to get back their teaching posts at the Ateneo but were refused because of their colorful political dossier. Ateneo’s loss was UP’s gain. The two went to teach at the State University while individually producing a prolific body of prose and poetry in Filipino. Both have been named National Artists for Literature, Almario in 2003 and Lumbera in 2006.

Dr. Lumbera, Ramon Magsaysay awardee in 1993 and professor emeritus at the UP, has a poetry collection entitled "Likhang Dila, Likhang Diwa’’ (1993), and "Balaybay: Mga Tulang Lunot at Manibalang.’’ His critical works include

"Abot-Tanaw: Sulyap at Suri sa Nagbabagong Kultura at Lipunan’’ (1987) and "Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa’’ (2000). He has also done several librettos, among them "Tales of the Manuvu’’ (1977) and "Rama Hari’’ (1980). "Sa Sariling Bayan: Apat na Dulang May Musika’’ (DLSU, 2003) collects the four historical musicals Nasa Puso ang Amerika, Bayani, Noli Me Tangere: The Musical, and Hibik at Himagsik Nina Victoria Laktaw. For Anvil Publishing, he has written "Philippine Literature: A History and Anthology’’ and "Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions.’’

Almario, on the other hand, has written volumes upon volumes of Tagalog poems. As a literary historian, he has eight books of criticism that traced the roots of Tagalog poetry. Among his works are Poetry: Makinasyon, 1968; Peregrinasyon, 1970; Doktrinang Anakpawis, 1979; Retrato at Rekwerdo, 1984; Palipad-Hangin, 1985; (A)lamat at (H)istorya, 1986; Katon Para sa Limang Pandama, 1987; Rio Alma, Selected Poems 1968-1985 (bilingual selection), 1987; Mga Retaso ng Liwanag, 1990; Muli sa Kandungan ng Lupa, 1994; Una Kong Milenyum (Collected Poems, two volumes), 1998; and Supot ni Hudas, 2002.

What strikes us most about the two is their overt deep love for the Filipino language. While Lumbera is optimistic that the Philippines is well on its way to progress once the medium of instruction in schools is changed to Filipino, Almario stresses that change should start from the people at the top.

Accolades upon accolades may have been heaped on these two eminent writers, but more than anything, Lumbera and Almario consider themselves as teachers, as beacons and guides to young Filipinos.

"Teacher ako talaga. Whether you like it or not,’’ Lumbera says.

"Ako teacher din. Poet ako at saka teacher,’’ Almario adds.

Here are excerpts from one of the most exciting 60 Minute interviews we have ever had. (Ivy Lisa F. Mendoza)

STUDENTS AND CAMPUSES BULLETIN (SCB): Matagal na po ba kayong magkaibigan?

BIENVENIDO L. LUMBERA (BLL): Nasa UE ka nun as a student.

VIRGILIO S. ALMARIO (VSA): I think 1967. Sumulat ka sa Graphic.

BLL: Ah oo.

VSA: Siya nga ang kumuha sa akin.

BLL: Ako ang nag-hire sa kanya.

VSA: I was teaching sa high school in San Miguel, Bulacan, tapos he invited me to join sa kanyang Philippine Studies.

SCB: Drastic ba yung adjustment ninyo from teaching in Bulacan to Ateneo?

VSA: Hindi naman. Mas mainam nga kasi sa San Miguel, kapag ikaw ay high school teacher na lalake, yung mga salbaheng klase ibinibigay sa’yo. Puro mga problema.

BLL: Sa Lipa, taga-palengke ang mga batang ganun nung araw. Dun galing ang mga salbaheng estudyante sa amin nung high school. (laughs)

VSA: So pagdating ko ng Ateneo ang aking first class na tinuruan sila Paul Dumol, Tony Perez, Apo Hiking Society. (laughs) So ang sarap magturo. Alam mo nung minsan may lumapit sa akin na hindi ko nakilala, si Terry David? Natatandaan mo yun?

BLL: Yes.

VSA: Honor student din natin yun. Natatandaan mo pa?

BLL: Natatandaan ko pa yan.

VSA: Bumalik siya sa Ateneo. Nagtrabaho sa abroad. Noong araw yan, sinasabi niya, sir lagi kong ipinagmamalaki na naka-uno ako sa iyo. Si Paul Dumol and Tony Perez, magka-eskwela yan. Naku ang lakas ng kumpetisyon ng dalawang yun. At saka si Boy Martin.

SCB: How did your friendship start?

VSA: He wrote in Graphic magazine an assessment of the literary scene during that time. He mentioned our books in UE. So sinulatan ko siya para magpasalamat. Sabi ko, aba ang mga taga-Ateneo pala marunong bumasa ng Tagalog. (laughs)

SCB: Sumagot po ba siya?

VSA: Aba sumagot! Kaya nagkaroon na kami ng communication line. And then he invited us to spend a Friday evening sa bahay niya to drink. So for the first time, kaming mga taga UE went to Katipunan. Di pa namin alam kung paano sumakay ng Katipunan at saka puro talahiban pa yun. (laughs) So nagpunta kami ng barkada ko, sila Roger Mangahas at Lamberto Antonio. Nag-tuloy tuloy na. Nag-presidente pa ako ng Katipan, yung samahan ng mga writers in Filipino sa universities and colleges. Ikaw ba ang nagpakilala kina Eman Lacaba at saka kila Martin?

BLL: Oo.

VSA: Nag-join sila dun sa Katipan, yung mga taga-Ateneo.

BLL: Pero prior kami nagkakilala, lumabas naman yung Bagay Poetry. In fact nadinig na namin yun, hindi namin nakikita. Nadinig lang namin na lumabas sa Heights. Tapos ang pinoproblema namin, ano kaya tong Bagay Poetry na ‘to. Ano bang ibig sabihin nito?

SCB: Eh sir, ano po ba yung Bagay Poetry?

VSA: Pakipaliwanag nga. (laughs)

BLL: Simple lang yun. Meron kaming writing group dun sa Department of English. Si Rolando Tinio, he was skeptical about the use of Filipino to express yung kanyang mga concerns as an artist. And together we concluded, ang mga tulang Tagalog usually preachy o sentimental. Sabi namin, we should be writing poetry na hindi sentimental, hindi nagpi-preach. Just talking about events, people and things as they are.

We used the term "bagay,’’ object. Yung ganung paggamit ng term came from the kind of work that the German poet Maria Rilke was writing. So nagsulat kami, meron namang mga estudyante majoring in the Humanities na ka-kopong namin and nagsulat din sila ng mga tula along the same lines.

SCB: Kumalat po ba what you were espousing?

BLL: No. I was going to write a manifesto in the manner of the Western writers, may mga statement. Sabi ni Rolando Tinio huwag na lang yan dahil people are going to hold us to what we said in that manifesto. Hindi ka na makakawala ‘dun. So hindi natuloy yung aming manifesto.

VSA: Pero I found the draft of the manifesto. (laughs) And that is why I included it in my literary history.

MARTIAL LAW YEARS

SCB: How did you find it?

VSA: I was the keeper of his books when he was imprisoned.

BLL: We roomed together sa Loyola Heights, in my apartment.

SCB: During martial law?

VSA: Mga 1971. Gaano tayo katagal? Basta bumagyo eh, bumagsak yung bubong ng aking apartment so nag-transfer ako sa kanya.

BLL: Nun bang dineklare ang martial law magkasama ba tayo?

VSA: Oo.

SCB: The day it was declared?

VSA: Kaya nga when we left the apartment si Lynn at saka si Cynthia na ang nag-alaga ng apartment. They became our wives. (laughs)

SCB: Nung nag-martial law, pareho po kayong nagtago pero magkahiwalay?

BLL: Oo. Nagtago ka ba?

VSA: E ano pa?

BLL: Saan ka nagpunta?

VSA: Kina Maita (Gomez). Napasama ka rin naman sa amin.

BLL: Nung mismong araw na dineklara ang martial law, lumipat ako sa bahay mismo nila Rolando Tinio sa Gagalangin, Tondo. I stayed there until people from the movement picked me up to put me in a UG (underground) house.

SCB: Nag-iiba iba ba kayo ng pangalan?

BLL: Oo.

VSA: At saka may wig pa yan. (laughs)

Bien: Wala ha. Hindi ko isinuot. (laughs) I grew a beard though.

SCB: Sir Rio, saan kayo napadpad?

VSA: Ang trabaho ko ‘nun driver ng mga kumander. Naglilipat ng UG house, tagahanap ng bahay na pwedeng mapagtaguan ng mga kasamahan.

SCB: Sir Rio, nagturo din po kayo sa public high school. Hanggang ngayon ay nagtuturo pa rin po kayo sa UP, isang public school. Ano pong pagbabago ang nakita niyo sa tagal na panahon ninyong pagtuturo?

VSA: Kagagraduate ko pa lang noong ako’y nagtuturo. Matanda pa sa akin iyong mga eskuwela ko eh. Lahat ng uri ng Social Studies ang itinuturo ko, mula sa Character Education to World History. Hindi naman ako qualified na magturo ng Philippine Literature. Sa 10 sections, iyong six hanggang 10 akin iyon, yung mga hindi gaanong matatalino. May ibang hindi nakakabasa.

SCB: So even then may problema na talaga iyong education system natin?

VSA: Oo naman, noon pa. Fourth year, hindi nakakabasa, hindi nakakintindi ng English.

BLL: Grabe naman iyang eskuwelahang iyan!

VSA: Ganoon talaga iyon. Iyong aking section 10, babasahin ko sa English ang World History book, tapos ipapaliwanag ko sa Filipino, tapos ipauulit ko, tatanungin ko sila ng ilang tanong para malaman ko kung naintindihan. Page by page, talagang ganoon iyong ginagawa namin sa klase. Siyempre hindi mo mae-experience iyan sa UP o sa Ateneo. Kahit na doon lang ako nagturo ng Composition, na-challenge ako dahil masaya iyong klase at saka nagre-respond.

BLL: Saka iyong mga estudyante sa Ateneo noon, lahat sila interesadong matuto ng Filipino.

VSA: Tayo palang nagpa-pioneer noon.

BLL: Hindi required, pero mayroong Department of Philippine Studies.

WRITING IN FILIPINO

SCB: Iyon po ba ‘yung nag-udyok sa inyong magsulat sa Filipino?

BLL: Nasa US ako noon, nag-aaral ng Comparative Literature. Ang mga kaklase ko meron silang mga native literature. I felt ridiculous na Ingles iyong aking mga tula. Nagsimula akong magsulat sa wikang Tagalog, na ginagaya ko iyong estilo noong mga pinagaaralan namin sa eskuwelahan.

SCB: What made you stick to poetry in Filipino?

BLL: Mahirap ipaliwanag. Nandoon ka sa ibang bansa. Pakiramdam mo ay gusto mong kumunekta sa sarili mong bayan. Ang problema nga sa akin, nagsimula ako sa UST bilang English writer, noong dumating ako sa Indiana, para akong oddball na nagsusulat sa Ingles habang iyong mga Indian ay nagsusulat sa Bengali.

VSA: Marami ka bang kaklaseng ganoon?

BLL: Sa Comparative Literature galing sa iba’t-ibang countries iyon eh. Kailangan kong ipakilala na mayroon namang kakayahan iyong mga Pilipino at sariling identidad as Filipinos using Tagalog. Pero ang problema, walang bumabasa ng aking mga tula. Iyong mga Pilipino noon sa Indiana University, wala sila sa literature, mga education major sila, hindi sila interesado sa creative writing. Sulat lang ako ng sulat at isang phenomenon na napansin ko, habang nirerevise ko iyong sinulat kong free verse, nagkakaroon ng rhyme. Parang hinahatak akong gumamit ng rhyme and meter.

SCB: Nakahanap po ba ng audience iyong trabaho niyo at that time?

BLL: Hindi ko alam, si Alejandro Abadilla lang yata. (laughs)

VSA: Iyon yung nakatuklas sa kanya. Ipinagmamalaki siya sa amin ni Alejandro Abadilla. "Mayroong taga-States diyan!" (laughs)

SCB: Ang tagal-tagal niyo na pong tinutulak iyong Filipino, ano na pong nangyari?

VSA: Hindi naman magbabago iyong situation dahil unang-una, hindi komportable sa ating language of instruction policy iyong ating mga opisyales sa gobyerno. Kung sila ay mayroon lang simpatiya, matagal ng hindi problema.

BLL: Ang problema talaga sa language policy sa Pilipinas, tungkulin ng gobyerno na itulak iyong language policy, pero iyong mga leaders natin hindi sila kumbinsido na itong language na ito can replace English for the education of the Filipinos. Sa kanilang tingin, kung sa wikang Filipino matuto iyong mga estudyante, they’re missing so much that’s available in English.

SCB: Bakit sa tingin niyo ang iba ikinahihiya pa ring magsalita ng Tagalog?

BLL: Class iyon eh. Kailangan kang mag-English para ka pakinggan, kahit baluktot.

SCB: Kung ngayon pa lang po ay hirap na tayong itulak ang Filipino sa ating literature at medium of instruction, paano pa po iyong literatura sa rehiyon na may sariling dialect? Mahihirapan po ba sila?

VSA: Mahihirapan talaga. Ako nag-start sa Filipino, siya sa US pa, ako dito mismo. Sa Maynila mismo, ang baba ng tingin sa mga Filipino writer. Iyon naman kasing nasa popular lit, mahirap talagang ipagmalaki, iyon ang problema. Kaya ang tingin sa amin noon, kahit noong mga young writers na kasama namin sa Los Indios Bravos, na mahinang klase kaming writers.

Kailangan mong patunayan sa kapwa writers mo who are writing in English na mahusay kang writer. Iyong alam nilang writer, yung na-diagnose nila ni Rolando Tinio, ay sentimental, didactic. Si Nick Joaquin ganoon lagi sinasabi sa amin ‘pag ka kausap namin.

Walang nagturo sa akin ng literature, Political Science ako. Pero dahil nga sa nakita naming challenge na iyon, kaming magkakabarakda started reading on literature, reading poetry, kung ano man iyong available na makita namin, at nadiscover namin iyong modern poets in Europe tulad ni (Federico Garcia) Lorca. Sarili lang naming discovery iyon dahil wala kaming teacher, pinag-aralan namin. Noong medyo mayabang-yabang na akong sumulat, sabi ko magki-kritik ako. Nag-critic naman ako.

BLL: Terror ka! (laughs)

VSA: I guess iyong writers sa native languages, magdadaan din sa ganoong experimentation. Unang-una kailangan nilang pag-aralan iyong tradition nila. Iyong kalagayan ng kanilang language. Kailangan nilang iimprove iyong language nila mismo, dahil I’m sure hindi pa iyon nagagamit sa modern challenges.

Ang maganda, iyong mga writers na nagsisikap ngayon sa Illongo, Ilokano, at iba pa, may contact sa world literature at dating nagsusulat sa English. Tulad ni Dr. Lumbera iyon na converted at bumalik sa kaniyang native language. Iyong kaniyang alam sa English literature, malaking tulong iyon para iimprove iyong kaniyang pagsulat sa native language. Hindi kamukha namin na talagang ang background namin ay iyong traditional and popular na ayaw na ayaw namin at the same time, kaya naghanap kami ng sarili naming modelo.

BLL: Iyong aking degree ay malaking tulong para ipropaganda ko iyong wikang Filipino. Nagtuturo ako ng English sa Ateneo, matatag na iyong tungtungan. Tapos nagaadvocate ako na gumamit ng wikang Filipino sa aming system.

At one time totohanan nang uunlad ang suporta sa Filipino dahil sa aktibismo. Way back in 1970s sabi ko "In 50 years wikang Filipino na ang ginagamit." Hindi nangyari.

SCB: Were you disappointed?

BLL: Disappointed talaga. Hanggang ngayon napakalaki ng resistensiya ng mga magulang, mga titser, mga administrator, sa paggamit ng wikang Filipino.

VSA: Wala kasing nakikitang pag-asa ang mga magulang ngayon. Kung karaniwan kang parent, anong iisipin mong pag-asa sa Filipino? Samantalang ang English, parang susi iyan. Puwede kang mag-abroad. Malaki ang reorientation na kailangan.

Pero hindi nangangahulugan niyan na nag iimprove ang ating education. Iyon ang problema doon. Hindi tataas ang ating standard dahil hanggang magsalita lang ng English ang pinaguusapan, hindi naman kung paano gamitin ang English sa Math, Sciences.

A FUNCTION OF EDUCATION

SCB: Hindi ba ginawa nila sa UP ang Filipino bilang medium of instruction?

VSA: Bumalik na ulit sa English, sa UPIS (UP Integrated School).

SCB: English na ulit? So flop?

VSA: Iyong principal kasi noon, pro-Filipino. Eh, nag-retire na siya.

SCB: May improvement ba iyong mga performance ng mga bata?

BLL: Iyong mga anak ko na pumasok sa UPIS na wikang Filipino ang ginagamit, confident talaga na meron silang content na natutunan sa maaga pa lang na year. Iyong pagsasalita ng English, they developed it without any prodding.

VSA: Ganoon din ang mga anak ko.

SCB: Do you think in English and translate to Filipino?

BLL: No, Filipino na ako. Hirap na akong mag-English ngayon. (laughs)

VSA: Pero may mga studies lumilitaw na kapag mahusay na ang grounding mo sa native language, mas madali kang matututo ng foreign language. Ico-convert mo na lang iyong alam mo na. Hindi iyong magsisimula ka sa English, pinag- aaralan mo iyong language, pati iyong content saka mga ideas.

BLL: Tingnan mo iyong mga bata natin, pagkatapos ng Grade 4, in general, drop-out. Ano ang dala nilang content pagdating sa Grade 4? They’re only learning the language to handle the content courses. Nakatapos ka ng Grade 4, pero wala kang alam.

SCB: Do you think changing the medium of instruction is enough?

VSA: Malaking bagay iyon!

BLL: Kapag nangyari iyon, the Philippines will be on its way!

SCB: Meron po ba kayong campaign?

VSA: Eh, sino naman ang kakampanyahin mo? Ngayon, halimbawa, we have an organization na layunin ay to stop Arroyo from implementing…

BLL: EO-210

VSA: Oo, O-2-10 (laughs). Hinabla na namin si Arroyo. Naglalakad kami ngayon sa mga senators and congressmen para maintindihan nila iyong situation. We had a meeting with Sen. Panfilo Lacson. He was hesitant na makipagkita sa amin, kasi sabi niya, kasama daw sa kanyang platform when he ran for senator was ibalik iyong English. Sabi niya kaagad sa akin "Convince me."

After 15 minutes, "Give me a bill, I will sponsor it." Akala niya kasi, ang linya ng Pilipinista ay alisin iyong Ingles. At the same time, naniniwala din siya sa call center, kailangan ng Ingles dahil kailangan ng trabaho sa abroad.

Inexplain naman ni Isagani (Cruz) na milyon-milyon ang mga graduates every year, 300,000 lang ang kailangan. Bakit kailangan iyong milyon-milyon mo ay iaayos mo sa call center. Kung hindi iyan nakaprogram sa call center, baka iyong milyon-milyon mo ay mapunta sa ibang trabaho na kailangan din ng Pilipinas. Kailangan natin ng agriculturists, enlightened fishermen, lahat ng uri ng maliliit na industriya. Lahat ay nasa call center ang isip.

SCB: Involved din po kayo sa children’s books.

VSA: Bahagi iyon ng aking kampanya sa overall education. Nung bago ang Adarna (Books), halos walang children’s books by Filipinos. Kung mag sisimula ka ng re-education ng new generation of Filipinos, dapat mag-start ka sa pinakabata. Kapag nagdedevelop ka ng book industry, kailangan kang mag-develop ng book readers. Useless na sa matanda ka mag-simula. Sabi ko nga, walang nagbabasa ng tula namin. Perhaps ang babasa sa amin ni Dr. Lumbera ay iyon mga lumaki sa Adarna. Investment iyon eh.

SCB: How do you feel about na walang bumabasa ng tula niyo?

VSA: Wala naman talagang bumabasa ng literature.

BLL: Ang tanging pag-asa ng isang makata na nagsusulat sa wikang Filipino, ay in time ay mas marami nang Filipino ang marunong mag-basa. Iyong mga tula na ginagawa ko ay maaring mabasa nila. Pero wala kang expectation na dudumugin ka ng magbabasa.

SCB: So function pa rin ng education? Chicken and egg?

VSA: Pero huwag kang mag-chicken and egg, kasi hindi ka magtatrabaho. Hihintaying mo iyong magandang future at doon ka magsusulat. Pero ang kailangan kasi ngayon, kahit hindi pa dumarating iyong tiyempo na meron tayong readers, kailangan pa ring alagaan ng writers ang literature. Hindi naman puwedeng huminto lahat ang mga writers at maghintay ng tamang panahon.

Meron kasing hindi nakasulat na literary standard internationally. Ang dapat ay ilalaban mo doon ang sarili mo, kahit hindi ka binabasa sa labas ng Pilipinas. Ganoon ang ginagawa ko, nilalaban ko ang sarili ko kapag nakakakita ako ng nakakagulat na istorya o nobela. Dapat ginagawa ko ito, dapat ako susulat nito. Ganoon palagi ang aking challenge. Hindi naman puwedeng pabayaan ang batang writers, they should be nurtured too. Hindi nila dapat danasin iyong pinaghirapan namin noong 1960s. Dapat mas maganda iyong foundation for the writing conditions.

SCB: Pero instant gratification ang gusto nila eh, paano mo sila manunurture?

VSA: Meron naman eh. Hindi naman lahat e nagi-internet. Ang daming pumupunta sa aking workshop na bloggers, naghahanap ng komentaryo. Marami nga sa kanilang nagugulat dahil iyon palang ginagawa nila ay masama.

SCB: Nakakasabay naman po ba ang mga manunulat sa Pilipinas sa pagbabago sa technology? Kahit si Sir Bien po ay may website?

VSA: Ako meron din next week? (laughs) Pero hindi ko alam dahil hindi naman ako nagi-internet.

BLL: Nagi-internet ako, pero konti lang. Nagbabasa ako ng e-mail, tapos kapag meron pa akong panahon, then I do other stuff.

VSA: Nage-email ako, at least iyon sinasagot ko once a month. (laughs) Aware naman ang mga batang manunulat. Ibang klase ang kanilang alam. Hindi kamukha namin. Jurassic na kami.

GUIDING YOUNG WRITERS

SCB: What are the challenges that young writers face today?

BLL: Unang-una, kailangan ng outlet ng mga young writers. Nandoon ang Internet, that takes the place of publishing. Pero, limitado pa rin ang naabot mo, dahil ang mga potensyal mong magbabasa, walang access sa Internet. Hopefully, these young people will keep writing, keep the faith, and eventually find an audience. Naniniwala ako sa pagbabago ng ating lipunan, na darating ang panahon na iyon. Sa inyong lifetime, sa aking lifetime wala na iyon. (laughs)

Importante ang suporta ng gobyerno. That is a real problem. Walang pakialam ang gobyerno sa cultural development ng mga mamamayan. Walang consciousness ang leadership na kailangan ang mga bata ay bigyan mo ng sustansiya ang kanilang pangaraw-araw na buhay. Ang lakas-lakas ng dating ng foreign media, ng teleserye, ng crime stories. Ang lakas lahat! Walang makaka-antala sa epekto ng telebisyon at video. Ang tanging pag-asa mo e talagang hope for a future that things will change. It’s a law of nature na magbabago talaga. Iyon nga lang, gaano katagal? Noong ako’y aktibista, akala ko mga 10 to 20 years. Half a century na!

SCB: Pero sabi po nga nila, ekonomiya muna bago kultura? Ang daming nagugutom…

BLL: Kailangan talaga, ang gobyerno magkaroon ng bagong orientation tungkol sa development. Kailangan ng ekonomiya na self-containing. Tayo ay heavily dependent sa foreign production. Kung ang ekonomiya natin ay hindi magiging stable based on local means walang mangyayari.

VSA: May mga basic decisions na cultural na hindi naman kailangan ng millions of pesos. Adopting a more nationalist policy on the language of instruction. Hindi mo naman kailangan ng dagdag na pera doon. Ang mga textbooks, binibili taon-taon, hindi mo na kailangan magdagdag. Sa media, lagyan lang ng mas magandang information kesa crime and sex, at palitan ng mas kapakipakinabang. Puwede namang iuutos ng gobyerno iyon.

SCB: Ano pong ginagawa ng NCCA?

VSA: Naglulustay ng pera! (laughs)

BLL: NCCA provides support to cultural and creative works. At least meron tayong agency that provides support to artists and writers. Importante iyon. Meron mga young writers who get their books published. Kaya lang ang problema e iilan din lang writer ang nagkakaroon ng access.

SCB: Ano po ba kayo first and foremost? Aktibista, makata, guro, manunulat?

BLL: All of the above? Teacher ako talaga. Whether you like it or not. (laughs)

VSA: Ako teacher din. Poet ako at saka teacher. I never liked the idea of being a critic. Marami kasing kailangan gawin kaya pinapasok ko lahat.

SCB: Mahirap ba silang turuan? May epekto ba ang technology sa kanilang pagtula?

VSA: Mas mahirap intindihin ngayon ang makata. Ibang experience. Mayroon akong isang makata ngayon na tinuturuan, anime. Lahat ng literary allusion niya e manga. Dapat may alam ka rin doon dahil hindi mo maiintindihan. Maganda iyong ginagawa niya pero hindi ko maintindihan.

SCB: In your years of teaching, what have you learned from young people?

BLL: Their dedication to their advocacy. I can see na they can apply themselves to their advocacies. Hinahawakan nila iyong advocacy nila at nakatutok sila doon. Kahit may PhDs na sila, patuloy pa rin silang kumikilos. That’s a challenge to me. Kung wala sila, nag-retire na rin ako sa aktibismo.

SCB: If there’s one tip you could give to aspiring writers, what would it be?

BLL: Palagi kong sinasabi na kailangang mahilig silang magbasa ng creative works ng other writers at hindi lang ng manunulat na Filipino. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay nauupgrade mo ang iyon content.

VSA: Master the language. Kung ikaw ay writer, ang tangi mong sandata para maging mahusay ay language. Hindi puwedeng kung ano na lang iyong napulot mo. Diyan papasok ang pagbabasa. Kailangan balikan mo ang kasaysayan ng language na iyon at literatura. Lumalaki din iyong kaalaman mo. Lumalaki ang karanasan ng daigdig mo.

SCB: Gaano kaimportante ang mga organisasyon sa paghubog ng talento ng isang writer?

VSA: Mahirap na ngayon ang nagiisa. Maliligaw ka. Samantala, kung meron kang barkada, dahil wala ka namang reader, merong bumabago sa iyo. Noong araw kahit girlfriend ko pinababasa ko ng tula ko. Kapag hindi maintindihan, reject ka na! (laughs) Maraming nangyayari sa paligid na kung nagiisa ka lang, hindi mo kaagad makukuha.

SCB: Sa tagal ninyong magkaibigan at magkakilala, ano pong tanong ang gusto niyong itanong sa kaniya and vice versa?

VSA: Hmmm...Boy Abunda! (laughs) Noong kami’y magkasama, halos araw-araw, kahit rally magkasama! (laughs) Noong araw na-feature pa kami sa "Best Friends". Pero hindi kami tinanong ng ganyan! (laughs). Kanina, tinanong ko sa kaniya kung anong ginagawa niya ngayon. Gumagawa daw siya ng play tungkol sa Banaag at Sikat.

SCB: Minsan po ang lalim ng Tagalog ninyo....

BLL: Malalim ba? Problema talaga iyon sa aking pagsusulat. Gusto kong maging popular ang aking mga songs. As a poet, hindi ko maiwanan.

VSA: E bakit hindi puwedeng maging malalim? Mag-dictionary ka. Bakit kapag English, kapag hindi niyo maintindihan, nagdidictionary kayo. Kapag Filipino, pinipilit niyong i-water down ang kanyang language. Ano pang challenge sa pagiging writer?

Kasi kapag ako nage-essay, as much as possible nakababa ng husto, para madali kang maintindihan. Minsan nagbabasa ako ng Octavio Paz, Labyrinth of Solitude, ang sarap-sarap basahin kahit hindi mo maintindihan kasi masarap iyong dating ng lenguwahe. Bakit hindi ko rin gawin ito? Bakit palagi kong iniisip ang audience? So iniisip ko, later on, gagawa ako ng libro na wala sa isip ko audience, kundi ang aking sarili, pipilitin kong maging mas ornate iyong aking Tagalog.

SCB: Pero sasabihin ng iba na ang mga writer, nasa ivory tower, ayaw bumaba.

VSA: Hindi naman ganoon. Masarap lang talagan pawalan ang sarili mo. At meron ding tema, lalo na kapag may social content, an kailangan mo talagang hanapan ng lalim.

SCB: Do you write for yourself or an audience?

BLL: For an audience. Doon nagfifigure ang aking pagiging aktibista. Itong librong ni-launch ng UP Press "Poetika at Pulitika,’’ iyong mga tula doon may kasamang photographs. Ang layunin ay to relate to the experiences of my audience – mga tibak, mga pari’t madre, mga estudyante.

VSA: Ang fans club! (laughs)

SCB: Do you critique each others work?

VSA: Oo, bata pa ako, when we were writing letters, kinritisize niya tula ko, sinagot ko! (laughs)

BLL: Iyong tula kasi, "Kalawang", pero glass iyong nasa tula. Paano kakalawangin iyon? (laughs)

SCB: Hindi niyo sinagot?

VSA: Hindi ko naintindihan e! (laughs)

SCB: Ano po ang dala ng pagiging National Artist?

VSA: Trabaho. Tungkulin. Mas mahirap nga ngayon buhay ko e. Maraming speaking engagement. Hindi ka puwedeng pahara-hara lang.

BLL: Mga ribbon-cutting. Konting speech. Ang ok na incentive ay mayroon kang pondo sa NCCA na 1 million per year. You do a project, iaaply mo iyon. Iyong "Poetika at Politika,’’ at saka "Banaag at Sikat,’’ covered iyon.

VSA: Lahat ng mga bago kong project at libro, inaaply ko. May tinatapos akong isang epic, "Huling Hudhud". Lalabas next month. puwede mo namang i-convert iyon to any project, as long as part of being a National Artist.

SCB: Ano po ang fulfillment na nakukuha niyo sa pagiging makata?

VSA: Marami. National Artist! Ikaw, National Artist ka? (laughs) Libre ospital, libre punerarya!

 

 

Printer Friendly Version spacer Email to a friend
 

spacer
OTHER Youth & Campus NEWS
spacer
spacer
spacer
spacer
 

spacer




Home | Subscribe | Advertise | Contact Us | Search | Archive | Feedback

FEATURES: Desktop Headlines

SECTIONS: Main | Business | Opinion & Editorial | Sports | Youth & Campus | Entertainment | Agriculture | Infotech | Travel | Metro & National | Provincial | Technews | Board Passers | Picture Perfect | Environment | Arts & Living | 



LINKS: Philippine Panorama | Tempo | Classified Ads Online | User Privacy Policy

Copyright © 2008, Manila Bulletin. All Rights Reserved.

designed and developed by
I-Manila Web