An emotional Angelica Jones challenges Illac Diaz

MANILA, Philippines – Laguna board member Angelica Jones was on the verge of a nervous breakdown while defending herself from issues involving Illac Diaz.
"Gusto ko lang ipakita po sa inyo na eto po ‘yung certification na kinukuha sa akin ni Illac, na gusto niyang makuha ‘yung perang P500,000 plus... Na ito po ay ni-release ng provincial government at ang city government po ay nag-release... na ‘yung [na-]donate ng Diverse na P500,000 direkta pong binigay sa city government. Ni isang pera, ni isang tseke wala akong hinawakan,” a teary-eyed Jones explained on “Showbiz Central,” March 20.
Jones, who also claimed the businessman alluded that she profited from the project, said, “Hinahamon ko si Illac… ilabas mo ang resibo ng lahat ng sponsor ng shelter. Ilabas mo ang lahat ng mga nag-donate para sa bottle school. Sa totoo lang, ako ang nag-donate, ako ang nag-abono.”
She became emotional when she answered Diaz’ allegation on “Startalk” that her mom, Beth Jones, also earned from the project.
“Gusto kong sagutin ang sinabi niya sa' Startalk'… na [may] representation [fee] ang mama ko. Hindi ka ba nakonsensiya, Illac? Walang suweldo ang nanay ko. Tumutulong ang nanay ko. Sariling pera ko ang inabono ko.
“Pinakita ko lang ang report, expenses para ipakita ko sa kanya na... malaki na ang gastos ko. Imbes na pasalamatan ako, [nakuha pang] bastusin ako, murahin ako at pagbibintangan ng walang katotohanan.”
Jones narrated how the unfortunate incident happened between her and Diaz, which led to a scandalous meeting in Laguna in front of her constituents.
“Gusto ko i-explain para magkaroon po ng katahimikan lahat. Ang totoo po niyan busy ako that time. Busy ako sa women’s month po namin. Nag-text po si Illac sa akin na kung maaari magkita raw po kami at mag-usap kami... Galit na galit siya. Sabi ko sa kanya Saturday night po kami mag-meeting. ‘Ibibigay ko sa ‘yo ang resibo, ipapakita ko ‘yo lahat, lahat ng mga problema sa bottle school.’ Busy ako (bilang) board member. Ang trabaho ko [sakop ang] buong lalawigan ng Laguna.
She also related, “Itong illac na ito, [‘pag] magustuhan niya [makipagkita]… Gusto niya 'pag pumunta siya ng Laguna, magkita agad kami. Gusto niya ngayon din mangyari. Ang nangyari, kung anu 'yong masasakit na tinext niya sa akin. And then nakarating sa akin na si Illac nagpadala ng media doon at kinukuha ‘yung mga semento, kinukuha ‘yung ibang mga gamit. I-redonate para sa bottle school ng San Pablo.”
With that, “nagalit ang aking mga staff at mga kababayan na sinabi daw na ninakaw raw po ang pera ng panlalawigan. Hindi po maganda ‘yung pakinggan sa isang tulad kong board member. Hindi maganda sa part (ko) ‘yun dahil ginagalang ako ng tao sa Laguna.”
Jones claims she brought their memorandum of agreement. “Pinakita ko po ‘yung papel. Sabi ko, 'Illac, puwede ba tayong mag-usap doon sa site, bago ka mag-react, kung magsasalita nang kung anu-ano sa site ng DLSB, Barangay Malamig, San Pablo City.'”
However, the comedienne claimed being surprised at how Diaz behaved. “Ang ginawa niya po ganito: sinira niya ang papel, pinunit niya ang papel, dinuro-duro niya ako, sinigawan niya ako, minura niya ako. Hindi ako nagsalita.”
She also pointed out, “Ang kuya ko muntik na siyang masuntok. Pinigilan ko po. Kaya ang sinasabi ni Illac tinutulak ko siya. Kasi 'yung kapatid ko baka masuntok siya. [Si] Illac ganito, 'Halika kayo. Gusto n’yo ng drama?' 'Illac pakinggan mo ako.' 'Hindi! Ilabas mo, ilabas mo ang pera ng panlalawigan,' sabi niyang gano’n. 'Gusto mo ng drama?' Ganito po ang ginawa ni Illac. Ayan po, sa statement ko, nag-file ako ng demanda. 'Halikayo mga kababayan. Pumunta kayo dito. Kilala n’yo ba ang bokal n’yo... bokal Angelica Jones? Ninanakaw niya ang pera ng panlalawigan.' Paulit-ulit na ginawa ni Illac ‘yan.”
But she stressed that her bother did not harm Diaz.
"Wala po. Pinipigilan po siya na magsalita, kasi board member ako. ‘Yun po ang totoong nangyari kaya nagulat ako noong magpa-file ako ng demanda, nang malaman niyang [Illac] hindi pa ako magsasalita, kinabukasan nagpa-guest siya sa DZRH, kung anu-anong kasinungalingan ang ginawa niya.”
Jones also shed light on reports that she and Diaz were caught about to leave a church in Laguna by Diaz’s girlfriend Julia Clarete.
“Gusto ko pong sabihin na totoo kasama ko si Illac sa church dahil may proyekto pero hindi totoong sinugod ako.”
She added, “Nung ginagawa po naming ‘yung project wala siyang sinasabing girlfriend niya si Julia. Nalaman ko na lang ito kay Vice Governor Leviste ng Batangas… Pero walang sinasabi sa akin si Illac na girlfriend niya kasi nung that time na ginagawa namin 'yung proyekto, grabe ang panunuyo at pagpunta ni Illac sa Laguna.”
She later on revealed how insistent Diaz was to be with her. “Siya pa ang nag-offer sa akin na isama ko siya sa Australia. Siya pa ang nag-offer sa akin na matulog kami sa Los Banos pero hindi ko ginawa because may respeto ako sa sarili ko… ayokong mawala (ang) respeto sa akin ng mga kababayan ko sa Laguna because I’m the board member of Laguna.”
Admitting she does not know Clarete personally and they have not yet talked, Jones said, “Wala naman pong problema sa amin ni Julia. Ang may problema po dito isa lang po, eh. Si Illac lang ang nagpapagulo.”
She also addressed the issue that she and Diaz were romantic. “Guto kong sabihin, iklaro ko muna, wala akong sinasabi naging boyfriend ko si Illac Diaz. Ang sinabi ko, dahil totoo lang, ang aking sinagot sa katanungan ng mga media kung totoo ba daw na nag-date kami ni Illac—yes, nag-date kami before naging board member ako.
“Kasi ganito po ‘yon. Sasabihin ko na para po matahimik na po ang lahat. Ang dami kasing naapektuhan dito. Every time pumupunta si Illac sa Laguna, akala nila boyfriend ko. Gusto ko sabihin sa inyo ilang years po akong single and huling naka-date ko si Illac Diaz when that... before ako naging board member. Noong 2009. Umabot ng eight months."
She also noted, “Ako ang lumayo kay Illac dahil hindi ko kinaya ang pagiging babaero niya. Kaya pumunta ako ng Laguna, binuhos ko ang oras ko sa taong-bayan. Nag-medical mission, nag-focus ako sa pangangampanya dahil sa hindi pa ako ready magmahal that time, hindi pa ako ready magtiwala at mag-boyfriend. So binuhos ko ang oras ko, ‘yung pagmamahal ko sa kababayan ko. Kaya [dahil] oras na binuhos ko sa taong-bayan sa Laguna, nanalo ako bilang board member.”
She stressed that when she won as board member, “siya (Diaz) po ang tumawag sa akin at nagmaakaawa.”
For her parting words, Jones challenged Diaz. “Magsalita ka pa, Illac. Gusto mo next week ilabas ko ang video mo kung saan mo ako binastos at minura. At may certification at dalawang witness ako laban sa iyo. Gusto ko ring sabihin kay Illac, 'Magkita tayo sa korte. Tingnan natin kung sino ang nagsisinungaling.' Ngayon nagpa-lie detector test ako. Sino ang sinungaling sa ating dalawa?”




Comments
Please login or register to post comments.